Makikita sa larawang ito kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga kababayan nating nasalanta ng napakalakas na bagyong yolanda.
Makikita naman dito ang naging epekto ng napakalakas na bagyo sa lugar na ito.
Isang napakalakas na bagyo ang humagupit sa ating bansa kamakailan lamang ito ay pinangalanang Yolanda, si yolanda ay isa sa sa pinakamalakas na bagyong dumating sa Pilipinas at sa lakas nito napakaraming nawasak na kabahayan, gusali, at mga buhay na nawala. ang mga karatig probinsya na Samar, Leyte at iba pang mga lugar sa visayas, at mindanao ang isa sa mga pinakanasalanta sa paghagupit ni bagyong Yolanda.
Isa ang Tacloban sa mga lugar na pinakanaapektuhan sa hagupit ni yolanda sa sobrang lakas nito hindi mailalarawan ang mga kugar na labis na naapektuhan, bagsak ang lahat ng kabuhayan, di padin alam kung paano makakabangon sa trahedyang sinapit. Ngunit sa kabila ng mga unos at sa gitna ng kahirapan nangingibabaw padin ang pagtutulungan at pagdadamayan ng ating mga kababayan. Dumagsa rin ang tulong mula sa mga karatig bansa na Amerika, China, Japan, Korea at marami pang iba.
Ang mga bansang nagbibigay ng tulong ay lubos rin na nakikiramay at nagbibigay pag-asa sa mga kababayan. May ilang linggo narin ang nakalipas magmula ng hagupitin ni yolanda ang mga karatih probinsya sa ating bansa, ngunit hanggang sa mga oras na ito marami padin ang lugmok sa kahirapan, subalit sa kabila ng mga pagsubok nanatiling matatag at puno ng pag-asa ang ating mga kababayan. Pag-asa na muling babangon sa kahirapan na sanhi ni bagyong yolanda. Dahil ang mga Pinoy ay matatag na humaharap sa mga pagsubok ng buhay , pagsubok na huhubog sa lahat upang mas maging handa sa pagsubok pang darating. Hindi man ngayon, bukas o sa mga susunod pang mga araw, darating ang oras at panahon na sabay-sabay makakabangon ang ating mga kababayan mula sa kanilang sinapit. Magtutulungan tayong lahat, dahil ang bawat isa sa atin ay maaring makatulong sa maraming paraan maliit man o malaki. Darating ang araw na muling masisilayan ang ngiti at panibagong pag-asa sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo, kahit anong pagsubok man ang harapin, malalagpasan at malalagpasan ito basta`t tayo'y magtutulungan para sa maligaya, masaga at mapayapang bukas na darating.